Kabanata XIV- Ang Tirahan ng Mag-aaral
A. Makaraig- isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng kastila.
B. Sandoval- isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino.
C. Padre Irene- isang paring kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
D. Padre Hernando Sibyla- isang matikas at matalinong Paring Dominiko. Siya ang vice-rector ng Unibersidad ng Santo Tomas/
E. Isagani- isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman.
F. Juanito Pelaez- isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si Placido.
G. Pecson- mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't-ibang usapin.
H. Caesar/ Ceasar- pinakamasigasig na tagapagtanggol; paaralan ng sining at kalakal.
I. Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo- nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
J. Ginoong Pasta- naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag ng abogadong Pilipino.
K. Pepay- isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento