II. Maikling Buod


  • Nagsama-sama ang makabagong mag-aaral sa tahanan ni Makaraig. Dito sila nagpahayag ng kani-kanilang damdamin sa kalalabasan ng kanilang kahilingan sa pag-aaral ng Wikang Kastila. Matutuhan dito ang buhay ng mga estudyante noon at kung paano ang mabuhay sa panahong iyon. Mabubuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral dito sa pamamahala ng mga prayle sa paaralan.


III. Pagsusuring Nilalaman
A. Lugar at Panahon

  • Nangyari iyon sa bahay ni Makaraig
B. Suliranin
  • May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita niya na si Padre Irene ay ang nagtanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipan upang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay bilang isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Nakapag-isahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraan. Si Ginoong Pasta ay isang bantog na mananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maaari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya't kailangan kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
C. Isyung Panlipunan
  1. Edukasyon- ito'y isyu sa Kabanata XIV dahil hindi sila nagkaroon ng pag-aaral sa wikang Kastila.
  2. Respeto sa isa't isa - hindi na kasi ito prioridad ng mga tao sa kabanata na ito.
IV. Aral:
  • Maraming aral ang makukuha sa Kabanata XIV. Isa na roon ang pagbibigay respeto sa mga kapwa tao. Bigyan sila ng karapatang magbigay ng sarili nilang opinyon. Hindi natin sila dapat hayaang manahimik. Dapat din, hindi tayo padalos-dalos sa paggawa ng desisyon kasi baka'y makakasama sa paligid natin. Respetuhin din natin ang mga nakakatanda rin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kabanata XIV- Ang Tirahan ng Mag-aaral